Wednesday, September 28, 2005

bittng an apple

“Destiny is what we make of it.”- Ryan

“Tayo ang gumagawa ng rason para tayo maging masaya” – Meki

“For me, Respect is given sa lahat, and it is up to them to maintain it.” – Pao

Human beings should strive for perfection – Iñigo

“Kaya mo yan ikaw pa.. Mayabang ka dib a - Tami

Like biting an apple.. the apple becomes a part of you. The wisdom that a person imparts to you will always be with you.


    

Happiness

I asked a friend (Meki) once.. are you happy? Sabi niya “tayo ang gumagawa ng rason para tayo maging masaya.”

Tanung ko sa kapatid (Paolo) ko, how do you find happiness in life? Sabi naman niya “self peace.” Everythime he goes to church he sees people free of worries. A friend of mine says, she thinks people who goes to church are the ones who are burden with problems, they surrender and lift up their problems to the lord.

As for my old friend (Candy).. I asked her before what makes her happy? Sabi niya shes happy when she sees other people happy. Oo nga ano.. ( masaya nga.. I mean seeing people happy makes me happy din.. its contagious, nakakatuwa.

Sunday, September 25, 2005

my frens

si Butchie
alias dungis.. bestfren ko sa concordia.. mabait siya at magaan kasama. artistic.. pero pilit niya tinatago.. journal dependent.. tuwing may strike at coups.. bumibili ng sandamakmak ng na ballpen at notebook. hahah joke. may collection ng cassette tapes, para daw pag hindi na uso ay siya lang may cassette tapes at oo nga pala VHS din. Kasama ko mag quiapo, divisoria kasama si ate lerms. Mahilig sa ukay sale. Sobrang bait.. Tatawa sa lahat mong jokes, makikinig sa iyong poblema. How can i miss this description, number one fan ni doc Jara. Date day tuwing sunday with boypren.

grad ng biology.. smart, tawag ko sa kanya sponge.. kasi her mind is like a sponge. absorbent.. memory retentive.

Si Lerma
Businesswoman.. daming racket sa pagbebenta.. mahilig magcrossstitch at mag knit.. Dating pangarap maging flight stewardess. May tatlong anak at may aswang doktor. Pinakamasinop magbasa at magaral ng MS. She is a loud woman, charismatic, madaldal at mabait. Leader leadran namin sa groupo. strong personality under kay aris.. kay aris lang takot. hahah.

Si Doctora
Madalas kong kasama manood ng sine at kumain sa labas.. dito napupunta allowance ko sa pagkain at movies. lagi ako nililibre sa consultation. accomodating.. isang tawag mo lang.. siya pa minsan tatawag sayo.. by phone nagrereseta na ng gamot. checks on you kung ok ka. mahilig sa damit.. tuwing dumadaan kami sa loalde, naghahakot ng damit. mabait.. everyone i know magaan loob sa kanya. magaling makisama.. hindi mapagmata.. sobrang down to earth. workaholic. monday to sunday ang trabaho at nirarounds ang makati.

Si Yan Yan
Bago ko lang siya kalilala.. In someways we are a lot alike but what makes her really special is that shes there.. she listens.. she shows concern. I met her through blog.. and found myself in her stories.. that was the start of our friendship.

Si Yves
Snob at elitista.. misconception ng mga tao sa kanya. since last na siya kakatamad magsulat. tama na yun na description. haha. mabait, may sense of humor at talented. Never ko naisip na magigi ko itong kaibigan imagine the snob meets the weird thats us in highschool. anyway the conception broke when we talked sa ym dahil sa alumni group and through blog reads.

Si Aetan
A good friend of mine.. An old friend since college.. hmm siya yung tipoong kaibigan na hindi ka iiwan or ilalaglag. :)

Si Boni
My joe di mango.. isang tawag lang e he listens really.. and gives good advice.. he takes a load off my shoulder..the sunshine through the rainbow.. helps me get through the storm. When i had chickenpox back at 18 y/o.. he took me to the hospital.

Angela, Nana, Mara

Spent yesterday with the girls.. It was a celebration of Nana's birthday. Brought cake and bonded with the girls (Angela 7, Nana 5, Mara 2) 5pm til 11:30pm.

Si Mara
Si Mara ang kanilang bunso..Napakagandang bata, parang manika ang kanyang muka. Alias niya ay the destroyer because even with the sweet and angelic face.. She has an energy to destroy all things out of fun and curiousity. kinakalikot niya, binabasag at sinisira mga bagay bagay sa bahay nila.. tulad ng baso, computer (ginagawang angkalsya), libro at iba pa... Recently naospital dahil may pinasok na bagay sa ilong niya. Tahimik at mahiyain.

Si Nana
Si Nana ang middle child. Paborito ni lolo, tatay at mommy. Ang dancer ng pamilya. Charismatic, friendly at mabait. Top 2 sa class nila.. Galing sumayaw.. Bibo at matakaw.. Payat naman. Mahilig humirit.. hango mga hirit niya sa mga noon time shows at comedy shows pag gabi tulad ng quizon avenue.. Favorite niya si Belle ng beauthy and the beast. Dati rati ay sumasayaw ng spagetti st otso otso habang kagat ang kanyang labi.. (ang cute kasi bata, kaaliw..) at gayang gaya din niya si beyoncee. May collection ng bags at nahihilig rin sa sapatos. Pinaka sensitive sa kanilang tatlo matampuhin at iyakin.

Si Angela
Top 4 sa class nilang 40 students. St. Paul.. Smart mahilig sa books.. Member ng book club, ladylike at mahinhin. Gusto niya si Aurora (sleeping beauty). May collection ng mga libro.. Mahilig sa TV. Gusto maging doctor paglaki niya. Sa kanilang tatlo siya pinaka gusto ko.. siguro kasi mas matanda na siya kaya mas madaling kausap :) pero kasi sa edad na 7 years old pwede ko na yun maging barkada. madali siyang makasundo. Kalaro ko sa tic tac to, hangman, charades at mga drawing jokes.

Saturday, September 24, 2005

Crown Jewels

Bat hindi na lang ilagay sa museo ang mga alahas ni imleda..
Through the years siyempre yung value nun tataas.. asset yun
Tasaka it will draw tourist and viewers
Parte na ang mga marcos sa political history ng pinas di ba?

Income generating din yun.. pag nilagay mo sa museo..
Hay naku.. ayaw ko lang mga banyaga pa makinabang sa yaman natin..
Pera din naman ng Pinas yun di ba..

I'm sure.. malalagay tayo sa mapa.

Pustahan pagbinenta yang mga alahas... hindi ko rin makikita yung pera
At least yun Konreto.

Oo nga dapat nakipag deal na lang si Cory na bawasan utang natin nung height nung people power..

Kung mahal talaga ni imelda Pilipinas.. aren't we worth more than her jewels? sabagay luluwa talaga mata mo dun.. mahirap pakawalan luho.. feeling ko nga pang royal family na yun e.

sana mapanood ko yung Imelda documentary.. nakakita na ako dati e.. grr.

seven of nine

Seven of nine is a character in star trek voyager. She is my favorite.. a combination of logic, beauty and brawn. She is a cyborg.. half human half android. or they just call that android.. Anyway when i was younger mga 5 years ago.. I wanted be like her someone who has no emotions and runs in pure logic.. For me kasi you're vunerable when you have all those emotions that cloud your brain. an excess of energy at times.

Seven of nine journey is finding her humanity.. developing social skills and rediscovering emotions and understanding logic of compassion.

Times changed.. ever since i got to nursing.. i found myself for this past few days finding my own journey. Like seven.. i'm also in search for my humanity.

I am not a saint, a nun or a charismatic person.. Although i am high at times.. and I can act that way and charm others but thats not me.

Patient C: I took care of a patient with high risk pneumonia (highly infectious) and psoriasis (a skin infection, signs are redness, lesions and itching).. Candy and Chaoi took care of him.. e award winning student nurses yun, ulta NPI (nurses patient interaction).. tsaka aliw na aliw talaga mga patiente sa kanila. Na-toxic ako dun sa patiente nung hirap siya mag communicate. I made up for it naman.. I don't know.. I'm not a chatty person or malambing one. It's not in my nature,, And being compassionate that's not innate to me.. I mean madali ako maawa but sometimes matagal.. ewan ko ba. Nung paalis na ako.. I said goodbye. Kasi nahihirapan siya huminga and he always say that he's going to die. He is beginning to lose hope.. I said sorry to him, kasi natoxic talaga ako sa kanya.. He couldn't speak kz and communication was really hard. Later on after a day or two nakakapagsulat na siya so hindi na toxic. Sabi ko sa kanya Alam mo ba napamahal na ikaw kina chaoi at candy (mga classmates ko).. hindi ka pa nila ganun katagal kakilala what more yung mga naghihintay sayo na mga naiwan mo. If I were in your shes Matapos mapagdaanan ang ganung hirap, hindi ako susuko. siyempre mas gusto ko mabuhay hindi ako papayag na mag give up.. I made him promise na he wont lose hope.

PAtient B: There are some views that i stand by.. As nurses and mga members of the health team.. We should be the last one to give up on the patient.. Kanina sabi ni Candy to tell our patient to let go if nahihirapan na siya.. what I said to him was.. I'm not telling you to hold on or to let go.. Hold on if thats what you believe in, give in when you can't bare the pain. He is not in a coma.. but he is in pain.. he is waiting for his son from Qatar to come home.

I don't think i'll have that nightengale award.. I just want to ensure my job is done right.. emotional support is important.. haay.. basta i have to ensure a passing board exam.. develop skills, enrich knowledge.. then somehow find my way in search for my humanity.

For me.. being human is being compassionate and falliable. Idealy in some cases we really have to strive for perfection.

Pattient Asu2: May na admit na americano nung papaalis na kami.. tapos na shift.. BP niya 190/80.. sabi niya do i look bad. i reassured him sabi ko.. he'll be ok.. they'll just monitor your BP and when it goes down you'll be transferred to the ward and he should relax and get rested. Makikita mo naman kasi talaga yung toxic na patient sa ward. Tapos he thanked me. I forgot how old he was, He had silver hair and a large man and speak good tagalog. He was born here in the philippines and has a filipina wife. Has two grown kids. You could tell right away that he is one the nicest person you'll meet and he does melt your heart. He is the perfect ending in my duty sa micu. :) Na kahit papano.. he made me feel that i did something right.

What I've learn in the 2 weeks exposure sa micu:
Learn everything para lahat magawa mo to help your patient. Secondly patient first before nurses.

Wednesday, September 21, 2005

dyutemaytes

Remeber the failing paper i've been expecting..I didn't fail..There is no pride nor glory in an exam taken by the grace of chamba. No stragedy... It's like playing a video game that pressess all buttons like crazy.

My whole academic life is a gamble living in the notion kung para sa akin ito, akin talaga
In reality.. In nursing.. Patient care is not a multiple choice.. It's not only base on practicality..
You have to have skill and knowledge of anatomy, pathophysiology of diseases and mechanism of action of the drugs.

I know the oc-oc.. awarded nightengale irritates me. Ang toxic kasi tingnan.. But i have to tell her that she really is admirable and i have told her that mga twice. And she knows it. This girl prepares her drug ana, analyzes her lab result, reviews her patient's profile, endorses the patient and handles 2 patient. Does the morning care and pushes the limit in NPI (nurses-patient interaction). Idol ko siya, saludo ako.

Oo nga pala.. Pag MI (Heart attack).. dapat hindi kinakausap or ganun pinapagod.. one time daw a veteran napagod sa NPI telling his stories about the war ayun biglang inatake. And MI patients are unstable. Rest talaga needed. NPI as necessary.-according ito kay Sir Roel.

The easy going and tamad.. oh my God.. Ayaw ko matulad.. Ayaw ko matuluyan. Pumapasa pero hindi nagaaral, laging absent.. Gulat nga nung nagaral ng MS (medical surgical) notes sa harapan ko. Pero medyo mali pa rin yun dahil on duty kami.. Pero considering 1 lang patient namin thats reasonable naman. One time toxic uung staff.. Grabe.. Nag OF (oral feeding, this is done through a inserted nose tube hangang stomach) yung isang patient, nakita na niyang naubusan.. nilagyan niyang OF ng konti tapos hinayan lang niya. Tinawag ako at tinuro na walang tao sa OF. Ako na yung tumapos. Kahit na toxic yung staff ang VS (BP, heart rate, oxygen saturation, output ng patient) pa rin niya yung patient lang niya.. Wala siyang initiative, and i say this from the observation above. Wala ako masabi sa pakisama niya sa chika at medyo pagsakay sa pag flattery sa staff. Mukhang enjoy siya pag walang ginagawa. 1 hour break namin.. panay ang text at minsang umangal na nahihiya daw siya na pag wala daw siya ginagawa so late na lang aakyat.

Ako naman kasi believe it or not.. kahit na tamad ako to a certain extent.. pag walang ginagawa.. natotoxic ako, naghahanap ako ng gagawin.. Pag toxic naman sila (Staff), may nagaarest.. nageenjoy ako tumakbo sa kaliwat kanan ng pag VS, kasi pag pinalampas mo ang VS na every hour.. hindi na accurate ang log mo. Hindi pa naman ako marunung magbutingting ng monitor na minsan ko ng sinubukan. Enjoy pag toxic.. may thrill.. naiimagine ko na ER :) heheh enjoy jan butchie noh.. pero ayaw ko pa rin. MICU (nedical-ICU) pa rin ako. Oo nga pala.. i'll take my break ng 5pm, para makasama ako sa endorsement ng 6 pm :) Bat ba ang pagbabago ay nasa huli.. sa bagay ano nga ba ang iyong babaguhin kung ikaw ay nasa unahan.

san damakmak na bloopers: 2x ako nabasagan ng thermometer.. eh pag ganun may procedure na may paperwork.. incident report.. kawawa staff.. kaya yun nandun na ako sa tabi ng patient pag kumukuha ng temp.

As for me.. sisikapin ko maging oc-oc katulad ng aking klasmate.. kahit mga 70% lang ang sanib sa akin, i know i'll be a great nurse :) I think I've adjusted na sa MICU and i find it highly enjoyable naman. :) saya.. simula nung may nag arrest nung wenesday at nag post mortem ako. Hindi na rin ako takot sa patay.

Credits
oc-oc.................................... candy
ako....................................... myself
butchie................................. dungis

Special Thanks:
Staff ng Micu
Mam Heidi
Mam Pao
Mam Chao
Mam Mitch
Mam Lyn
Mam Net
Sir Bong
Sir Roel
Sir Sony
Sir Ronald

Saturday, September 17, 2005

bed of nails

i'm such a bum
tamad magaral
a lot of potentials.. pero ayun nagsasayang ng oras
sa tv, kama at internet

pano ba ako papasa ng board
pano ko ba matutulungan ang pasyente ko
pano ko ba tutulungan sarili ko
motivation? ano yun..
nagkaroon ba ako nun..
alala ko lang dati sa chinese subject
yun motivated ako pag sinasabi na hindi ko kaya
tigas talaga ulo ko e.. dun lang ako motivated
pero kung ngayon mo sabihin parang ako mismo maniniwala

o diyos ko..
ano ba naman ito
di ba.. langhiya talaga ako
tanda ko na para magloko

dream.. dream.. dream..
wake up and make it happen
stop procrastinating yen

kelangan ko magaral dahil
nursing is about knowledge and skill
not just about practicality
i still have a lot of things to prove
make my teachers proud
that their efforts were never in vain
i need a challenge
i need a failing paper and have it xerox
strategically placed through out the house

Friday, September 09, 2005

momentary lapses of humanity

Kanina lang may nabanga at nawalan ng malay
Hindi naman siya duguan
Halos apat na kalalakihan ang bumuhat sa dalaga
Ang pagbuhat pa naman ay sa paraang lamog ang kanyang katawan
Bitbit baboy ata ang pag akay
Ang babae ay binuhat kapit ang kanyang mga paa at kamay
Ang kanyang ulo ay naka tiwangwang na pwedeng mabungo sa sahig at jeep

Isinakay ang babae sa jeep
Inalis sa jeep at sinakay sa taxi
Mga tambay ang nagaasikaso sa babae
At may kasamang isang pulis

Nagkakagulo at walang direksyon sila
Nakatingin lang ako sa kanila
Blangko ang kaisipan
Hindi ko alam kung baba ako at tutulong
Kung gusto mo tumulong sa kahit anung paraan ay maaari
Magbuhat..

Ang una dapat tiningnan ay kung siya ay humihinga
Mag CPR kung hindi siya makahinga
Buhatin ng maayos, protektado ang ulo
Hawak sa ulo, balikat, pwet at paanan
Isakay sa taxi papuntang hospital
I-check ang vital signs (BP, pulse, respiration rate) habang nasa taxi
I-endorso sa ER.

Ewan ko ba minsan mahirap talaga gawin ang tama
Lalo na kung magisa ka
Nung mga oras na ito, kasama ko ang isa kong kaklase
Tinanong ko pa siya ku dapat ba namin sa tulugan
Ba matapang.. Magtanung
Times like this you wonder, did wonder woman faced a dilema as such?

Naiisip ko lang pano kung ako yung babae na nabangga
Kelangan pa ba na kamaganak, kaibigan at kakilala natin
Ang biktima bago tayo tumulong?

Tulad ng isang umiiyak na bata sa kalye
Nakaupo sa tabi
Iniisip ko pa kung dapat ba ako tumigil at kausapin siya

Isa akong hipocrito
Na puro dada
Sa bagay mas mabilis nga naman sabihin kesa gawin

Kung kayo ay tulad ko
Bumagon na kayo sa putik na kinaruruonan niya

Wednesday, September 07, 2005

A wave goodbye

The letter to my prof that never came through.. hindi kaya ibigay.. sayang namn.. post ko na lang.

Farewell sir..

Another new day has found your way
In greener past you'll stay
Best wishes is all i can pack
And maybe a good snack
For thee a prayer for a good flight
Wonder what lies ahead of you in daylight

In wings that has flown miles
Stretching far through ocean and lands
Building a future of stones in foreign land
May you find a ground that stable and kind
A family that will embrace you like the old
Friends you will keep you as gold

In the year or two we’ve known you
Many thanks for the wisdom and knowledge you've imparted
My poem started rhyming and ending badly
I am no poet just merely a thankful student
That sometime at around (6 to 9pm) in my life
I’ve met a teacher
Who brings laughter to every sleeping student
Instill the VH value that the heart cannot give what it does not receive
The perfect blend of vincentian and anatomy teachings

Seriously meeting somebody dedicated..
A heart with a genuine concern for the welfare of others
I only hope that I can live up to that..

Paalam sa anak ni Sister Salome
Ma-mimiss ko ang mga kwento ninyo
Na kahit papano naging parte na rin ng buhay namin
Feeling namin kakilala ka na namin
parang celebrity na napapanood namin sa the buzz

Sino siya?
Top 2 or 3 na board passer ng doctor. Workaholic.. Dedicated teacher.. Reviewer sa board exam. Effeminate.. Single 38 year old. Matalino at comedyante. Mahilig sa aso. Pre med niya nursing at aalis na ng abroad sa january. I'm just posting this kasi he is worth remembering and when you don't write them down I tend to forget the details. Siya si Caesar G. Jara.

Star Style: Polo’s with jeans
Signiture Walk: He always looks down when he walks the hallway. He walks like roadrunner.
Sounds like: He has a deep good voice.. Pumikit ka lang sasabihin mo campus radio o 89.9 magic
Characteristics: Terribly OC-OC. Sometimes he speaks like a speeding bullet.
Stories: I will not forget his stories about his dogs. Commedic attics and stories about his family. Life grounding experiences..

Sunday, September 04, 2005

Moments..

Mag isip ng alalaang pinaka-treasured mo nung bata ka pa o hangang kasalukuyan..

Eto akin:
Nung mga bata pa kami.. May alagang 45 days na chicken si pao. When we were kids the chicken was at hip level. We were 2 ft tall. My brother and I would throw stone and harass those chicken, and we would literally run for our lives.. And climb trucks. The chicken was giant for us. Thrill of the days.

The beach in Daet, Camarines Norte called Bagasbas. It is said to be one of the surfing site in the philippines. At low tide I would walk the sea.. Feeling Jesus Christ who walks on water, because the waters never reach taller than our knees no matter how far you go.

The refrigerator of our lola.. It was always filled with chocolate and fruits. My grandpa would call me shaniee, and I always felt like an orange. Because after he calls me.. he always hands me an orange.

My lola has a collection of encyclopedia and fairytale books na old school. Yung hindi disney.. I would always look at them prentending to read and interpret the stories through the illustration seen in them.

My lola has an array collection of antiques and ugly dolls. I would cry because the dolls were really scary and ugly.

All you can eat ice candy (buko, mango, ovaltine flavor)..

A terrance that overlooks mayon volcano..

Fireworks during the new year..

Doves.. A whole flocks of them.. Meron kami nun, madami dati. Doves kasi when you feed them babalik at babalikan ka.

We had cows, pigs, fishes (arowana, goldfish, balck molly, angel fish), turtles, hawks, doves, turkeys, ducks and chicken.

Candle ball making and family reunions during all saints day in daet.

My lola lives near an old mansion parang ala "great expectation" mansion. Mansion na may garden, fountain na walang nakatira. Punong puno ng misteryo.. On the right side naman may lot na naka fence lang tapos puro deers nakakulong.

My grandpa is dubbed the medicine man. He has a small backyard garden that has pots of different plants. Mostly mga kalamansi, sili and herbal plants. He coaches a local youth basketball team. He used to play tennis and won champiosnhip in the local area.

My first boyfriend.. Hmm saya lang ng mahal mo at the same time mahal ka. Commitment=panangutan plus Conviction=Paninidigan. He shares his dreams and plans with me. Gusto niya magka lanudry mat (tama ba, the place that washes laudry for folks, hotels, resto). Took me sa Richmond (tama ba, nd ko n alam), gusto raw niya dun magpatayo ng house.

Bikes.. Biking for the first time. The first wind that crashes your face, the feeling of being free and flying.

Finding two good friends.. Wena and AU.

Growing up with old friends.. Kat and Andre.

Cindy.. My first dog. Shaquilee.. Smart and bibo dog. I had Cindy when I was in Grade 6. I gave her the name Cindy Cutie Pie Putol Cheang. Treated her like a sister. Taught her math and Color, only to find out later that dogs are color blind. Guards me when I sleep. Wakes me up during the morning. Humped my leg nung in heat siya. She is a riot. Sat beside me when I cried. Never left my arms til I completely fall asleep.

The forest/nature trip in Daet. Guyabano.. Creeks.. Trees.

Swimming sa ilog, may kasamang pato.

Pagoda.. Sa school.. Going down for I forgot for what reasons. May water lillies pa.

Earthquakes.. I didn't know before it was dangerous. Feeling ko dati cool.

Taiwan Tour 1996

Snow.. Disney land. Oralando, Florida

Davao.. Nice scenery

Tagaytay at night.

Verdez de Pasadeña-ganda ng bahay ala spanish theme ang condo and townhouses.

Saturday, September 03, 2005

PSI

Psychospiritual integration

Sa halagang 30,000 pesos, pwede ka magretreat ng 15 days at magreflect.
Mauungkat ang deep unconscious experience mo
Madudugtungan ng sagot ang misteryo ng pagkatao mo
Mula pa nung ikay nasa sinapupunan ng nanay mo

Speacial Diet, Cleansing
Facilitator mo mga Jeswuits who specialize in human developement
Wala kang gagawin kundi umiyak at magreflect

Enrollement is ongoing sa Ateneo, once a year raw.. Meron din sa Summer

Kelan kaya ako mgaka 30,000
kaya ko ba harapin mga demons sa buhay ko.. I mean kaya nga isinupress cya ng unconscious di ba.

Here's something quite interesting..
Only God can read your heart and mind
Even the devil doesn't know.. Hintayin ka pa magsalita to know.

Child Abuse

May binebenta sa quiapo na VCD entitled child abuse
Mga litrato ng batang babae na 10-12 ugalang years old hubot hubad na nakapose
Nakakapangilabot isipin at nakakapagpatambling ng sikmura
Pano kaya nagagawa ng mga tao.. Na mangabuso ng bata.
Mga walang kamuang muang ng mga bata.. pinagkakakitaan at ginagagao..
Sa halagang 30 pesos e parang ikaw na rin manggagao
Punyeta talaga.. Hindi man sila ang kumuha bat nila kaya iyon ibenta
Hindi ba sila kinakilabutan.. Na maaring mangyari rin yun sa ibang bata paguwi ng mga kumag na bumili.
Pano kung mangyari ang abuso sa kanilang mahal sa buhay.. sa anak nila, kapatid, pamangkin, apo.
Kung ganito ang nangyayari sa paligid natin.. Parang kinukunsite na rin natin ang mga baboy ng lipunan.
Sa paglalakad.. Apektado ako.. Gusto ko balikan mga tindero.. At bigla ko naiisip makakauwi pa ba ako ng buhay. Magpanggap kaya ako na press o social service. Itawag na lang kaya natin sa bantay bata.

Thursday, September 01, 2005

Trivia

Ayon sa isang article at isang geneticist 80-90% of a child's intelligence comes from his/her mother.. hmmm.. I was joking with my classmate, when i told him that women should get really intelligent men para mamaximize yung 10-20% hehehe.

Lahat naman ng tao matalino, depende lang sa focus and interest. Ang pagbibigay importancya sa isang bagay. May kanya kanya namang forte.

Keloyd, naalala ko lang si _ yung pinagkukuha natin ng PE sa DLSU. Remember those days.. Hacker na yun in a box :)