Friday, September 09, 2005

momentary lapses of humanity

Kanina lang may nabanga at nawalan ng malay
Hindi naman siya duguan
Halos apat na kalalakihan ang bumuhat sa dalaga
Ang pagbuhat pa naman ay sa paraang lamog ang kanyang katawan
Bitbit baboy ata ang pag akay
Ang babae ay binuhat kapit ang kanyang mga paa at kamay
Ang kanyang ulo ay naka tiwangwang na pwedeng mabungo sa sahig at jeep

Isinakay ang babae sa jeep
Inalis sa jeep at sinakay sa taxi
Mga tambay ang nagaasikaso sa babae
At may kasamang isang pulis

Nagkakagulo at walang direksyon sila
Nakatingin lang ako sa kanila
Blangko ang kaisipan
Hindi ko alam kung baba ako at tutulong
Kung gusto mo tumulong sa kahit anung paraan ay maaari
Magbuhat..

Ang una dapat tiningnan ay kung siya ay humihinga
Mag CPR kung hindi siya makahinga
Buhatin ng maayos, protektado ang ulo
Hawak sa ulo, balikat, pwet at paanan
Isakay sa taxi papuntang hospital
I-check ang vital signs (BP, pulse, respiration rate) habang nasa taxi
I-endorso sa ER.

Ewan ko ba minsan mahirap talaga gawin ang tama
Lalo na kung magisa ka
Nung mga oras na ito, kasama ko ang isa kong kaklase
Tinanong ko pa siya ku dapat ba namin sa tulugan
Ba matapang.. Magtanung
Times like this you wonder, did wonder woman faced a dilema as such?

Naiisip ko lang pano kung ako yung babae na nabangga
Kelangan pa ba na kamaganak, kaibigan at kakilala natin
Ang biktima bago tayo tumulong?

Tulad ng isang umiiyak na bata sa kalye
Nakaupo sa tabi
Iniisip ko pa kung dapat ba ako tumigil at kausapin siya

Isa akong hipocrito
Na puro dada
Sa bagay mas mabilis nga naman sabihin kesa gawin

Kung kayo ay tulad ko
Bumagon na kayo sa putik na kinaruruonan niya

1 Comments:

At 8:52 PM, Blogger Thoughts said...

it's a noble thought to help everyone, even strangers...but i guess no harm in making the extra effort in helping people you know instead.....ummm...pwede pautang??

 

Post a Comment

<< Home